Hi! Newbie po, pero i had my FOWLR tank for 6 months na, I cycled my water for 2 months, then my cousin caught a damsel in real quezon (my 1st fish), after nun sunod sunod na..
I have a Copperbanded Butterfly fish bought from cartimar, sobrang pinagsisihan ko pagbili ko pag uwi ko sa bahay, di kasi ako nag research tungkol dun at nagustuhan lang sya ng asawa ko kaya napilitan akong bilhin, pag uwi ko sa bahay at mailagay ko sa tank yung isda saka ko nakita sobrang dami white spots, tanggap ko na mamamatay sya pero nag survive sya, gumaling nawala spots then nag research ako kung paano pakainin..
What i did is i pick-up the same small chunk of rock everyday para lagyan ng minced clam, sinisingit ko sa lahat ng butas na nakikita ko using a tooth pick, then ill put it back to the aquarium and i would hide sa lugar na kita ko sya pero di nya ako kita, mahiyain sya, di sya kakain pag may nakatingin sa kanya, ayun hanggang sa masanay na sya kumain kahit nakatingin ako then as of now na hhand feed ko na sya, nakakatuwa! Mejo mahirap pakainin sa una pero konting tyaga lang, pag kumain na sya mag ssurvive sya, I have my CBB for 4 months na, and nakakatuwa syang panuorin kumain, he's also a beautiful addition to a aquarium.
Pasensya na kung mahaba, sana maktulong!
Di ko ma post yung pic nya cp kasi gamit ko malaki daw masyado file size, di ko alam pano liitan.. Ahahahaha!