@ST yup, gumamit ako ng lumang CD.
Post ko yung pictures pati nung results ng CFL lights kasabay ng tank build ko. Panalo sa yellow yung "cool" daylight eh.
edit:
Eto yung mas simpleng version:
http://www.pearltrees.com/#/N-s=1_50250 ... =1_5025028Kailangan lang ilagay yung camera sa viewing area para makuha at ma-plot yung spectrum.
*Para sa mga magtatanong kung para saan ito: gusto ko lang makakita ng rainbow. Masaya akong tao eh.
Seriously, makikita dito kung ano yung light fixture na mas magandang gamitin lalo para sa reef tanks. Halos lahat ng ilaw naman pwedeng gamitin (Naabutan ko pa yung mga NO Flourescent bulbs at 6500k MH bulbs, gumamit na rin ako ng mga CFLs dati), pero may mga fixtures na mas efficient at mas magandang gamitin para iwas algae.
Maganda rin itong gamitin para malaman kung kelan dapat palitan yung light fixtures na gamit natin. May mga ilaw na parehas pa rin ang light output pero nagiiba na ang light spectrum.