Sana makatuong to sa mga fellow RP members.. sa mga nagtitipid tulad ko very applicable to. Instead na gamitan ko ng spray paint sticker ang ginamit ko. 130 pesos lang. sobra pa yung sticker ko.
may nabasa ako sa isang thread na almost 3-5 cans ang magagamit para maganda kalabasan ng black background. more or less 450 pesos yun sa mumurahing bosny,etc.
Eto ginamit kong sticker..instead na panaflex sticker(tama ba un panaflex nga ba?).
size nya nun naka roll is.. 18 in x 3 meters. meron din silang per meter na binebenta ang sukat nun is ( 4ft x 1 meter 199. pesos naman ito ) madaming sosobra kung yung 199 ang bibilhin ko. so i go for 130 pesos.
Materials :
1. Sticker bought sa ace hardware size : 18"x 3meters(app mga 9 feet.)
2.Gunting
3.Tape measure/ruler
4.Blade/Cutter ( pamputol sa sobra sa sides)
5.Card (kahit ano basta matigas cc card,pvc id card, etc)
Steps :
1. Cut mo yung sticker sa lenght ng aquarium mo.
2. sprayan muna ng mixture ng shampoo at tubig yung glass na pagdidikitan ng sticker. (mas madaling magadjust nung sticker kung na sprayan madulas kasi pag wala kasi baka dumikit at masira yung adhesive)
3. gamitin yung card sa pagtanggal ng bubbles. =) ( push nyo lang sa sides yung mga bubbles)
Post ko mamaya yung tapos ng gawa .. nag gla glare kasi maliwanag di makikitang maige =)