I suggest 50g muna, pero eventually maghahanap ka ng mas malaki pag napaganda mo na ng sobra ang tank mo.
Ako nagsimula sa 50g, then 75g, now di ko na alam. kasi ang laki na 4ft x 2ft x 2ft sya ang display tank at 3ft x 2ft x 19inches ang sump, so around 150-175g.
Regarding sa gamit, mas maganda kung magandang gamit na. Pero wag muna sa lightning since fish ka muna. Regular light will do sa fish. Yung Corals lang ang malaki ang demand sa lightning.
Regarding sa saltmix, since fish lang muna. Pwede na yung blue na saltmix na tig Php 150 ata for 10g. Then pag nag corals ka, dahan dahanin mong palitan ang tubig mo using mamahaling saltmix.
Suggestion ko lang, wag maging impulsive buyer. Pag aralan mong mabuti. Baka maubusan ka ng pondo or bili ka ng bili pagdating sa huli, di mo magagamit.
Mag simula ka muna sa pump, skimmer and waive maker. Saka na yung mga borloloy