Hi guys! Bagohan lang po ako dito! Medyo matagal tagal na rin ako sa FW so may gusto ako i try.
May mollies and guppies ako at gusto ko mag set up ng Saltwater tank na rin at sabi sa google na pwede sa SW ang mollies at guppies pag slow acclimation.
Pero pwede rin po kaya ung mag start ako ng freshwater tank tapos slowly ko po dadagdagan ng Salt mix per day/week until maging tamang salinity na ung tank?
Pag saltwater na rin ung tank gusto ko rin mag add ng ibang fish. JEBO type ung aquarium ko na spare at black mollies/ female guppies po ang balak kong iconvert. Kailangan ko pa po ba ng skimmer at sump? Gusto ko lang ng isda (Kahit bare tank lang. Walang sand at ibang deco.) Possible po ba to?
Thank you po sa replies! ^_^