Hello! Magstart sana ako ng Sumpless/Skimmerless 20 gallon SW tank kasi ayaw ipamigay ng relatives ko yung isda nila pag nag lipat ng bahay. Eto yung kwento (Mahaba siya XD)
Nakagawa na ako ng madaming research for a sumpless/skimmerless tank kasi yung family ko sa province lilipat ng bahay at gusto nila ipamigay yung mga fish nila, at ayaw ng family ko dito na bumili ng other equipment kasi tight sa budget. Ang isda ay 1 clownfish, 1 Coral Beauty Angelfish at 2 yellowtail damselfish (lahat galing sa cartimart) na nakatira sa isang 10 gallon na sumpless/skimmerless rin (FOWLR din yung tank kasi yung aquarium nila yung para yung mga aquarium na may kasamang light at powerhead/filters). 6 months old na yung mga isda sa kanila.
Yung 20 gallon tank ko ay growout tank ng freshwater fish ko at nilinis ko na siya (rinse lang) at ready na for set-up. Lilipat yung mga relatives ko next week so di matagal ang panahon para magcycle ng matino at ayokong gumamit ng isda kasi nga may damsel na ako. Pwede kaya ako bumili ng cycled saltwater sa cartimart (Or kung may alam kayo na ibang maganda na marine shop).
After siguro nun at nakabili na ako ng Live rock na mag cover ng kalahati ng tank (Kasi nga Sumpless/Skimmerless siya) at balak ko gumawa ng 10% water change everyday. (KAsi masyadong maluwag schedule ko).
Not sure kung tama ginagawa ko. Kailangan ko rin po ng help kasi gusto ko din masubukan yung SW (after 15 years of FW).
Also pwede bang bare bottom tank ko para mas madali magtangal ng debris at gumamit ng plastic na coral (Kasi nga may angelfish). Salamat po!