Nakakadisappoint naman yung nabili kong e27 bulbs sa ic-tech. Bumili kasi ako ng 3 bulb na tig 5watts sa kanila for my pico, then nung initial na pag online ko sa bulb, after siguro ng kulang-kulang 2 hours eh napundi na yung isang bulb. ibinalik ko sa ic-tech yung bulb for check and repair since napakadali naman nia nadedz, ayun, ang ending sunog daw yung nasa loob, drivers yata. Pinabayaran pa sakin yung parts, cnicngil ako ng 150, sabi ko mahigit kalahati pa ng price ung babayaran ko parang unfair naman, cningil ako ng 100 nlang daw eh since desperado ako mailawan yung tangke ko pinatulan ko na. Then, kagabi paguwi ko ng bahay, pundido na din yung isa ko pang bulb! Kapag sinuswerte ka nga naman o,,,
buti may spare akong e27 na 4watts, yun muna ipinalit ko dun sa bagong kapupundi lang na bulb.
Mga boss, ganto ba talaga kabilis madedz mga e27 led bulb?