Mga Sir, I'd like to ask. Meron akong 20 gallons na aquarium with a few corals and fishes bought from Cartimar. Kaso last August na toxic sya kasi namatay yung Anemone ko na malaki eh wala kami sa bahay nung nangyari yun so pagbalik namin as in wala na patay na lahat isda at corals kasi 5 days kami nawala yata nun. So last October i decided na i build sya uli so cycle na naman ako siguro nasa 5th week na yata sya pro napansin ko yung sand nagiging black. Usually sa side ng aquarium eh, hindi naman sya Algae. As in maitim talaga, 1 1/2 kapal nung sand then kita mo sa gitna black yung sand. Mali ko yata before ako mag cycle tinaggal ko lang yung water tsaka siphon yung mga dumi sa live sand then put na saltmix and start cycling. So now, nag try ako mag lagay ng test fish, yung damsel wala pang isang araw patay na. I remember dati nung nasa ganitong stage na ako nakakapag lagay na ako ng fish. Not sure kung anong meron sa sand. I don't have test kits kasi before water change ako every other week ng NSW or kung wala IO ginagamit ko. Ano kaya cause nito? and yung black sand sa gitna ng live rock ano kaya din yun? I'll post pic later if that helps. Pasensya na mga Sir kung mahaba, I just wanna explain it ng mabuti. Marami pa niyan sa likod ng aquarium.
Thanks!