Hi paul, welcome to RP!
Walang nakapansin nito pero yung mga crushed corals mo sa baffles masamang idea yan, lalo kapag fully stocked na ang aquarium mo, within a month or two mapupuno yan ng detritus tapos magtataka ka kung bakit ayaw bumaba ng nitrates at phosphates mo.
Kung ang purpose nung crushed corals ay para sa copepod/amphipod production, lagay mo na lang sa sand area mo kung saan ka rin maglalagay ng macroalgae (kunsakali).
Re putting shrimps, you may or may not put them. Magsa-cycle yan either way. Kung maglalagay ka man, wag marami kasi mataas na ang nitrates mo (160 ppm of nitrates sobrang hirap pababain niyan kahit may ATS ka pa lalo kung nanggagaling sa bato mo yung nitrates... unless masipag ka mag WC at gagamit ka ng nitrate resin). Sasakit lang ulo mo sa pagpapababa niyan in the long run. Lalo na kung mataas rin ang phosphates mo naku, mag-mimistulang green meadows yung DT mo dahil sa turf algae. hehe.
Re your lights, NO T5s yan kung di ako nagkakamali sa pic. Sobrang inefficient niyan para sa lalim ng tank mo, lalo at wala pa yang reflectors. Maaaring mahirapan ka mag-reef.
Another thing, add your livestock - especially corals slowly. Kung naantay mo naman ng ilang weeks yung cycle, walang masama kung magantay ka pa ng konting panahon pa. Isipin mo na lang na makakatulong yang pagaantay.