@seth: sarap dyan ah! Bakasyon grande ka yan!
sige enjoy mo lang yan..
@Chang: elegance at brain ba? Maraming factors yan bro. Ok naman basic parameters mo, nitrate, phospate and ph, acceptable level naman yung post na mo.
May suspect ako dyan pero pwedeng mali rin ako. Baka may imbalance sa holy trinity of reef; calcium, alk and magnesium. Kapag ok naman calcium and alk mo malamang mg yan kasi naiinhibit nya ang calcification kaya humihiwalay na sa skeleton ang laman ng 2 corals mo. Bakit ko nasabi na baka yung big 3? Kasi 2 lps mo ang may prob. Baka kung elegance lang, baka naman hindi. Masyadong sensitive at unpredictable kasi ang elegance, parang goniopora, ngayon healthy at mukhang happy, the next day parang mamamatay na. Pero marami ng success stories sa kanila pero leave them to the expert. Masyado kasi mabusisi ang pag-aalaga. Hindi friendly sa newbies.
Isa pang pwedeng reason ay yung flow. Ayaw ng brain ng sobrang malakas na flow. May brain ako dati na parang mamamatay na at ayaw mag-expand, nung inilagay ko sa mahinang flow at sa sand, naging happy na sya.
One things for sure, as michuelo said.. Sobrang STRESS ang elegance and brain mo na pwede nilang ikamatay na if di mo maagapan.
Ang maganda mong gawin mo check your parameters, the Big 3 (calcium, alkalinity, magnesium). If they're in acceptable levels, tingnan mo yung flow and ask yourself if they are getting too much flow or sobrang hina ang flow. Elegance likes medium flow and yung brain mahina lang. Ayaw nila na nakatapat ang wavemaker sa kanila. At sana medyo random ang flow mas ok.
One things for sure, kapag natanggal na yung meat sa skeleton, mamamatay na sila. The tissue can live for 3 months but eventually they'll die na rin.
I hope nakatulong.. Welcome to RP chang! Happy reefing!
P.S. Di ko isinama ang light mo at mukhang ok naman ilaw mo. Unless, may isang taon na t5 mo. Cheers!