Mataas na talaga nitrate mo dahil god knows how long na nakatambak yan sa pinagkunan mo na shop. Besides, nung binili mo yan maaaring natapos na yung cycle pero naulit lang uli dahil sa sobrang dami ng dieoff mo.
Hindi lagi na masusunod yang elevated ammonia depende pa rin yan sa kung anong klaseng bato ang ginamit mo.
Don't confuse yourself, yaan mo na lang muna yung tank mo na balansehin yung sarili niya.
Anyway pag nag WC ka, lahat ng values ng nitrogen at phosphorous (ammonia, nitrite, nitrate at phosphate) bababa. Unless marumi yung mismong tubig na ginamit mo for WC.
Sana di na madagdagan yung mga casualties mo. Maliban sa gastos eh sayang talaga kung mamamatay lang sila.