Bili ka ng reef master, pati ng ibang kailangan mo gaya ng phosphate at magnesium testkits. Mapagiipunan naman yun, mas maganda rin kung may kahati ka para mura.
Pag nalaman mo na yung water parameters mo dun mo rin malalaman kung ano yung mga actions na dapat mong gawin.
May kamahalan talaga ang testkits pero matagalang gamit naman yan. Mas maigi yang meron ka niyan para walang guesswork at madaling magawan ng paraan yung mga issues ng tank mo.
Majority ng tank failure water quality issues ang dahilan, lalo yung nga mahilig magoverstock o kaya naman matigas ang ulo, tapos wala pang idea sa water parameters.
Unahin mo yung waterquality kasi yun ang pinakamahalaga, dun nakatira at nabubuhay ang nga inaalagaan natin. Magtipid ka na sa lahat wag lang sa tubig.
Re bacteria in a bottle naman, kung wala namang ammonia I don't think it will be necessary, lalo kung may magandang husbandry at kung hindi naman overstocked ang tank.
Ang bacteria kasi dependent sa surface area at availability ng nutrients. yang dalawa ang limiting factor nila so regardless kung maglagay ka man o hindi ng additive, kung absent yung dalawang kailangan nila, hindi rin sila dadami.
So meaning, kung may ammonia or nitrite or nitrate ka sa tank, may dapat kang iaddress, kumbaga manifestation lang yan ng poor husbandry, overstocking or bad water quality.
May mahabang discussion dati tungkol diyan, natabunan lang. Hehe