Not an expert but for a 2.5g, even that kind of light would do. Pero sa sobrang dilaw ng spectrum niyan mas marami pang tutubong lumot sa tank mo kaysa corals, kaya hindi recommended yan.
Besides, dagdag init pa sa tank mo yan at hindi energy efficient compared to LEDs. Bumili ka nalang ng LED fixture, kahit mga 2-3 na tig4watts lang na spotlight or any equivalent. Meron sa divi at raon nun. At least yung cool whites ng LED hindi tulad ng cool whites ng CFL. Or better yet, ipon ka para makapagpagawa ka sa mga marunong dito ng DIY LEDs.
Here's a nice example of GU10 LED build:
http://www.nano-reef.com/forums/index.p ... pic=289370They work. Tested na yan.
(tried and tested on a cube tank with 18" height. Medyo mataas din yung clearance ng ilaw sa tank, pero mas maganda kung nasa 3-4" lang ang clearance para mas malakas) At ang kagandahan niyan meron niyan sa divisoria. Same fixtures that the nano guys buy on ebay. Kaso, cool whites nga lang ang meron sa divi. May mga blues dito pero order ka online.
Nasubukan mo na bang tignan yung daily temperature ng tank mo ngayon? Pasensya na sa kakulitan ko pero kailangan mo munang malaman kung ano yung temperature ng tank mo for the whole day bago ka maglagay ng corals. Sayang lang talaga kung mamamatayan ka.
Para sa isda, ayokong mag-recommend na maglagay ka ng kahit anong isda. But then again, that's just me. Pero kung di mo talaga matitiis, mag-antay ka nalang muna ng ilang buwan kapag na-tantsa mo na yung tank mo bago ka bumili. Kumbaga may "feel" ka na sa processes na nangyayari sa pico mo.
hth