Good day to all RP members.
Matagal ko ng gustong mag-setup ng isang reef aquarium, 10 yrs. ago pa.(Halata tuloy na may edad na ko...hahaha)
Sobra mahal kasi ng mga equipments noon at malaki yata ang magagastos sa kuryente kaya hindi ko naituloy.
Pero patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng mga infos sa internet tulad ng RP site.
Paborito ko nga ang site ng GARF(Geothermal Aquaculture Research Foundation) noon,
kung saan maraming infos sa pag-culture ng corals.
Lalo akong naenganyo mag-setup ng reef aquarium noong magtrabaho ako sa abroad.Yung employer/boss ko, tatlo ang nano reef nya sa office.
Kaya lang nagkasakit ako sa abroad at tuluyan ng napauwi dito sa P'nas. Pero gusto ko pa rin
mag-setup ng isang reef aquarium sa bahay para may libangan habang nagpapagaling at pang alis ng stress.
Maliit lang ang budget ko sa pag-setup at kailangan ay matipid rin sa kuryente, kaya pinaplano ko munang mabuti.
Wala na kasi akong pinagkakakitaan kundi ang maliit na sari-sari store sa harap ng bahay namin.
Pero palagay ko hindi naman hadlang ang kahirapan sa buhay kung gustong matupad ng isang tao ang mga balak niya.
May kasabihan nga tayo na - "Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging may paraan". Parang kanta ni Rico Blanco...hehehe
Will try to update this thread with infos and pictures para na rin ma-share ang "experiences" ko sa hobby na ito at siguro ay humingi na rin ng tulong sa mga makabagong paraan ng pag setup ng isang reef aquarium sa mga gurus at veteran members ng RP.