I think its time for RP to start small and be known to most people in cartimar. Simple things can prevent people from wasting their money from those salestalk na nangyayari madalas sa cartimar specifically kay butanding. halos lahat kasi ng tao na pumupunta dito sa RP ay naloko ni butanding from the package of 3k with 1 aquarium, overhead filter, 10 fishes, live rock and sand at 5k with 1 aquarium, 10 fishes, 10 corals, live rock and sand.
Ang suggestion ko sana ay lagay tayo banner sa mga stores na kaibigan natin. May mga kaibigan naman tayo dun na mga nagbebenta ng isda like yung may zoa na naka leds. Si Rafael yun located near the plants pati dad niya yung katabi lang niya na tindahan bago pumunta kay butanding.. nag propromote sila ng cycling bago binebenta...hindi katulad ni butanding na pera lang talaga ang habol..
Banner includes ReefPhilippines name, Logo, website link, images of a nice aquarium at image ng mga patay na isda at isang sentence na parang, want to setup a saltwater tank? visit RP before buying to prevent wasting your money. Or pwede rin may banner lang sa harapan ng tindahan nila na Affiliated with ReefPhilippines tapos may link lang sa baba. Simpler but better.
tapos dito sa RP may Cartimar category naman tayo so nakalagay rin dun sana yung mga shops na RECOMMENDED ng RP na pwede nilang bilhan at pagkatiwalaan? all shops with our banners are the only one who is affiliated with RP and are recommended by us. Meaning,safe to buy, nagprapractice ng tamang procedure at nagsasabi ng tama sa mga buyers. hindi yung tipong nagsasabi ng kalokohan para makabenta.
Purpose of this:
1. Para makilala ang RP na one and only forum website who cares for saltwater fish and corals.
2. Mabago ang ibang saltwater shops sa carti regarding handling of LS (kung sumikat na tayo at alam na ng mga tao ang RP, most likely mababawasan ang bibili kay butanding at sa ibang saltwater shops na hindi affiliated with RP) Pag nangyari yun, others shops will follow at magkakaroon tayo ng requirements to be affiliated with RP.
Objectives:
1. Para maiwasan yung mga naloloko na no knowledge talaga sa saltwater.
2. Iwas yung sobrang daming fish na namamatay. (pag marunong na sila mag QT ng fish kahit separation lang para hindi mag away away isda nila, 1 big step na yun. parang yung sa DLBD na pag may blue tang nasa isang tank lang lahat or minsan separated sila isa isa sa maliit na aquarium pero connected lahat ng tubig to prevent fighting with one another.
So far yan pa lang naiisip ko. maybe some of you can add more para mas maenganyo na matuloy ito. Si Jigsantonio madami kilala sa carti )