@symphii yup meron HO T5 ask ka kay Peter (aquariatech). Siya din unang nagdala niyan dito hehe
Okay lang din gumawa ka ng reflector, pero iba pa rin talaga ang parabolic reflectors. Sobrang laki ng difference sa light output. Tandaan mo efficiency ang habol natin.
Kung ako ang gagawin ko sa tank mo 6-8 pcs ng 24w (yung tig-2ft) na HO T5 plus parabolic reflectors. Tapos 12 hr lighting para sa actinics, then the rest ng ilaw, 8 hrs lang na bukas.
Lalabas around 144-192w lang ang konsumo nyan, buong tank pa maiilawan mo.
Pound for pound, mas malakas ang light output ng mas maigsing T5 kumpara sa mas mahaba, at medyo mas mababa pa ang konsumo. (54w ang isang 4ft bulb, kumpara sa 2x24w na 2ft...6w din ang diperensya)
Isa pang tip, lagyan mo ng cooling fans yung ilaw mo para mas malakas ang light output at mas humaba yung buhay ng bumbilya. Parang LED rin ang flourescent bulbs, pag mas mainit mas mahina ang buga ng ilaw.
Pwede rin namang mas konti ang gamitin mo, basta tandaan mo lang crucial din ang depth at placement.