Hi guys..help naman dito sa cowfish ko..last month nagka ich siya..tapos ginawa ko nilagay ko siya sa QT for 1 month..nwala na ich niya at masigla na..nung saturday may 2, nilagay ko na siya sa main tank..kanina mga around 2am nanonood pa ako sa tank ko..wala naman akong nakitang ich..napansin ko paggising ko ngayon biglang napakaraming ich na kumakapit sa buntot..bakit? bakit kaya nangyari ito? masigla naman cowfish ko..very tamed..lakas nga kumain eh..di naman siya stress..bakit kaya bumalik yung ich niya?
btw, i have two chromis, 4 nemos, 1 damsel & my cowfish..so far walang ibang natamaan ng ich kundi itong cowfish lang..lahat ng ibang mga isda walang signs ng ich..napakasigla nilang lahat..
help naman..newbie lang ako