by jolt26 » Thu Sep 01, 2005 11:02 pm
you want me to call the police? joke.
it maybe polyp outbreak.
tama point ni chonglai. ang corals (well, most), may symbiotic algae, zooxanthelae (ok lang spelling, di naman tayo sasali sa Ms. Teen USA). yan ang source of food nila. supplemental feeding lang yung shrimps at plankton.
algae sya dba? plant? ayon sa biology 1, ang plants ay photosynthetic, meaning, kailangan nila ng ilaw para mabuhay. kailangan din nya na malamig yung tubig.
pag mahina ilaw at mainit ang tubig, tatakas ang symbiotic algae na yan. mamamatay sa gutom ang corals mo. again, gaya ng sabi ni fugu noon na noon pa, di batayan ang few days para sabihin mong successful ang corals mo. ang tao nga, 3 days mabubuhay ng walang tubig at pagkain eh. ganun din ang corals. buhay yan ngayon. tanong... tatagal ba?
again. again. again. again. kahit buhay pa ang corals, isda, pati aso mo at butiki, pwede mabuhay dya, pero di mo pa rin masasabing OK ang tubig mo until u get test kits. ako, overloaded na ng LR, may DSB sa main tank at sump, may macroalgae, pumapalo pa ng 25ppm ang nitrates before changing water. yun pa kaya sayo? ang isda ko e DALAWA lang ha.
ganito. may test kits ako. ang nitrate kits ay 45 tests per box. ang ammonia kits ay 25 tests per box. taga san ka? gusto mo itest natin tubig mo using my test kits? libre na. maniwala ka lang sa sinasabi ko.