bro, IMO pwede pa rin naman ang water from water stations. I would suggest na magscout kayo ng mga water refilling station sa vicinity nyo. In my experience, kapag mas mahal ang per container mas maayos ang water nila. Hehehe.. From experience lang naman yun. Matinik din kasi ang panlasa ng gf ko pagdating sa tubig, di kasi sya nagta-tap water kaya kahit lokohin ko sya na mineral water yun pero tap water yun, alam pa rin nya. Tapos nagtry ako na palitan ng ibang water from other water refilling station. Di nya gusto kasi may lasa daw na magara. Haahaha..
About turf algae, naging nightmare ko yan. I battled turf algae for many months. Guess nyo kung san nanggaling ang turf ko? ATS! I dont know kung mag-agree kayo sa akin pero naging bangungot ng tangke ko yan to the point na gusto ko na i-restart ulit ang tangke ko and worst, gusto ko na mag-QUIT from this hobby dahil sa turf algae na yan. Kahit anong gawin ko ayaw mawala ng turf. Kahit i-brush ko mga bato, siphon the detritus bumabalik pa rin ang turf! At ang nakakatawa dun, di sya lumalabas sa test kit! Bina-bind ng turf ang nitrate and phospate ko. Tinatago nya ito at maniniwala ka na ok na parameters mo. Buti nakuha sa tyaga.. Turf off my ATS, Turn off my Sump lights, no lights for 3 days, shorten the lighting period, 20% water change everyday (ang gastos sa saltmix!), purigen, rowaphos at buti nakita ko ang fruits of my labor. Unti unting nawala ang turf.. Whew! nakahinga ako ng maluwag after ng bangungot ko na yan sa turf.
Sana di na ulit mangyari yun..
I hope makatulong ang telenovela ko.. Hehheheh