Ngayon, meron sana akong mga xenia-like colony polyp (hindi ko alam kung ano sila eh, pero mukhang glove coral sila accdg to my research) pati red mushrooms. Ayos lang yung mushrooms, kaso namatay yung dalawang glove coral so may natira pang onti at hindi na rin sila lumalago tulad ng dati.
Hindi ko alam kung ano yung dahilan eh. Kung parameter problem siya, dapat cguro namatay na rin yung mga mushrooms ko. Tingin ko nutritional problem siya.
Una, sera coraliquid yung pinapakain ko at nabasa ko sa maraming forums dito na low acceptance yung sera coraliquid sa mga corals. Tapos, once a week ko lang yun pinapakain sa kanila.
Kung yung pagkain nga yung problema, anong pagkain na lang yung kukunin ko? DIY, cyclop-eeze or something else?