Mga kuya balak ko po sana bumili ng Open Brain Coral. Sabi kasi maganda daw yun pang mga beginner gaya ko. Konting questions lang po sana bago ako bumili.
1. Pano po ba malalaman kung nasa magandang condition pa yung coral?
2. Nagbasa din po ako, sabi nung iba kumakain daw po yun detritus. Ibig ba sabihin pwede ko din sha lagyan ng food gaya ng sa BTA?
3. Madalas nababasa ko yung mga pang beginner na corals di gaano mataas ang required na lighting. Gaano po ba kataas yung di mashado mataas? Hehe
4. Ilan po kayang corals ang pwede sa 25gal? Balak ko kasi paunti-unti ako magdadagdag, siguro isa every month or every other month. TIA