magandang hapon mga taga RP,
isang kagimbal gimbal na pangyayari sa aking aquarium na naganap nung miyerkules. ang aking cleaner shrimp ay naglaho.. tila kinain?? ni walang ebidensyang naiwan dahil walang mga pira-piraso ng katawan akong nakita.. pero parang malabo naman un sapagkat, sa aking pagkaka alam ay wala namang mga aggressive sa mga isda ko at puro maliliit lang sila. naririto ang aking mga LS:
1 blue tang - 1-1/2 inch
2 yellow damsel - 1 inch
2 clown - 1 inch
1 lawnmower blenny - 2 inch
1 hermit crab
1 banded shrimp 1 - 1/2 inch
2 (missing) cleaner shrimp 1 inch
eto ang aking salaysay sa kaganapan: nung ika-15 ng mayo ay bumili ako sa carti ng 2 yellow damsel, 2 cleaner shrimp, 1 lawnmower blenny at 1 blue tang. nakapag proper acclimation nman ako at mukang healthy naman sila lahat. wala naman nag aaway, sa katunayan nga nyan ay naseserbisyuhan pa ng mga CS ko ung blue tang, nililinis nila.. kaya laking gulat ko nung pagkagising ko ng miyerkules ay parang naglaho na mga CS ko at hanggang ngayon ay di ko parin makita sila kahit nasilip ko na sa mga butas butas..
sa inyong palagay sino ang salarin? sana ay matulungan nyo ko sa problema kong ito, nakaka 4 nakong cleaner shrimp, puro lahat nawawala.. may suspetsa ako pero di ako sigurado.. ung hitchhiker na crab na white? kasi dati may nakita ako nun mga 1 inch pero di ko na nakita ulet..