hi guys! bought these two shrimps last friday. wala namang problem sa paglagay ko sa kanila. kaso paggising ko nung lunes, both of them were dead. yung cleaner shrimp pinagpiyestahan na ng dalawang coral banded ko while yung isa, ready ng pagpiyestahan nung dalawa.
bawal pa talagang pagsamahin ang iba't ibang klase ng shrimp?!? gusto ko na sanang kunin yung dalawa at gawing sinigang na hipon!!! ang ganda (at ang mahal!) pa man din nung blood shrimp.
isa pa. aggressive ba yung mga tangs or damsels sa coral beauty? kasi yung binili ko din yun friday, napansin ko nung saturday may sugat na sa pisngi. nung sunday, nagulat na lang akong completely nabangasan na yung mukha niya! come to think of it, parang freddy krueger! nyahahaha! sayang at ang ganda pa man nya.
that's all. appreciate your advice. cheers.