Paano ko ba ipapaliwanag ito.. hmm medyo oversimplified ito pero sana may sense:
Yung coolwhite na LED kasi gagana yan for sure. Pero sa kulay at growth hindi talaga siya sing-efficient ng mga blue LEDs na nasa 420-450nm range.
Imagine mo na lang ganito yan, yung white na 6500k LED, RGB yan actually. Combination yan ng RED, GREEN and BLUE diodes para makapagproduce ng White light (white sa paningin natin)
Ang problema kasi diyan, since cool white siya, mas mataas ang ratio ng green diyan vs blue. Eh since nasa blue spectrum ang preference ng zooxanthellae, walang use or halos insignificant lang sa kanila yung green spectrum.. So kahit malakas yan sa paningin natin, hindi siya ganun ka-usable ika nga para sa corals. Washed out pa kulay niyan.
Pero balik tayo sa original question mo, kung para sa 15 gallons, sure gagana yan no doubt kasi ilaw pa rin yan.. yun nga lang may mas efficient nga lang na options.
Andami mo nang thread ha, nakakahilo sumagot.
Yung 60-pc LED bulb mo gawin mo na lang na moonlight yan.