Page 1 of 1

Ano dapat unahin?

PostPosted: Mon Feb 08, 2016 3:39 pm
by otherside18
Mga ka-RP plano ko palang mag set-up ng 15gal.. simple lang mga tanong ko.. :P
para sa tanong ko "ASSUMING" nasa 4 weeks na ang tank, live rocks and live sand lang ang meron.. :)

1. ano unang dapat ilagay fish, corals o invertebrates? iba iba kasi nababasa ko, sabi una daw isda para sa bioload, sabi naman ng iba mauna daw corals para may bahayan ang mga isda. :?: :?:

2. kung mauuna ang corals sa 4weeks old na tank, anong klaseng corals ang makakapag survive kahit nasa 29-30celsius? at pwede bang ilagay sabay2 ang mga corals? kung hindi pwede, ilang araw,linggo,buwan ang pagitan tuwing magdadagdag ng corals? :?: :?:

3. kung fish naman dapat mauna, pwede bang sabay2 ilagay? kung hindi pwede, ilang araw,linggo,buwan ang pagitan tuwing magdadagdag ng fish? :?: :?:

4. sa mga invertebrates, tulad ng mga shrimps, kelan ako pwede maglagay? :?: :?:

SALAMAT SA MGA SASAGOT MGA KA-RP! :D :D :D