lipat ko dito sa new page para mas madali.
uhm...medyo matagal nako wala update, to be honest, nawalan ako gana konti sa tank ko nung gumanda na water parameters ko, dati kasi sobra ako asikaso sa tank ko dahil ang dami algae at detritus na parati ko nililinis (punas glass etc.), ngayon almost once a week nalang ako kalikot ng tank para linisin lang cup ng skimmer ko, siphon yung mga detritus and check my parameters, totally nawala na din kasi yung mga cyano/diatoms sa DT ko (brown algae) and yung green algae ay nawawala na din 80%,may mga tumutubo na din maliliit na coraline sa glass at equips, kaya wala nako ginagawa gaano sa tank kundi titigan nalang, anyway eto mga pics ng before and after...
my parameters
Ammonia 0
Nitrite 0
Phosphate 0.03?
Nitrate 0.03?
PH 8.2
Calcium 400
Im now using teco reef salt, mixed with RO water, palit ako ng much better na brand pag naubos ito.
eto yung star polyps ko last month, super bilis dumami
eto yung hammer and forgspawn ko noon at ngayon.
elegance coral before and after.
Paly from julius, 2 lang ito dati ngayon 4 na.
valentine massacre paly, 3 dati ngayon 4 na
frag of my star polyps, try ko padamihin dito sa rock hehehe!
kakakuha ko lang last week, chalice coral, nag improve naman condition konti, sayang di ko na-picturan yung bago palang para makita ang improvement konti. basta labas lang yung white skeleton sa edge niya nung nakuha ko pero ngayon ok na yung edges.
(LIGHTS OFF)
small GBTA na nakuha ko sa carti, nag improve na yung condition sa lagay na yan, puti yan nung nakuha ko sa carti, ngayon green na at sticky na. need ko kasi mag anemone dahil binahayan ng nemo yung elegance ko, no choice ako sa part na ito, pumili nalang ako ng maliit.
blue sponge, naging matingkad lalo color.
FTS na walang punas sa glass.
THANKS RP!!!!!!